Hey there, momsh! Thinking of your struggles the past few months made me remember this song. I witnessed how much suffering and grief this year gave you, and I genuinely hope that ends here. Happy birthday and may this letter help your heart feel a bit better.
Cheers to 16 years of life. Happy birthday!
By the time na mabasa mo ito, sana'y nabawasan na ang kalungkutan na dinadala mo. Gaya ng mga bagay na sinisimbolo ng lily, sana ay mamukadkad kang muli, lumago at mahanap ang kasiyahan na limot mo na ang pakiramdam. Alam kong hindi madali, at kahit kailan ay hindi mawawala ang sakit ngunit nais kong magsilbi itong lakas mo upang bumangon sa mga pagkakataong tila'y imposibleng umahon.
Gaano man katagal ang abutin, mananatili ako. Hindi po magiging madali ang proseso pero naniniwala akong kakayanin mo, bilog po ang ating mundo at hindi habang buhay dito ay nasa ilalim tayo. Magpapatuloy tayo sa buhay bitbit ang alaala ng mga minamahal nating yumao na. Pasensiya ka na po, alam kong sensitibo ito pero nais kong makatulong sa abot ng makakaya ko at sa ngayon ay ito ang naiisip kong paraan. Naiintindihan po kita, at alam kong naging sakim ang mundo para sunod-sunod na kunin ang lahat sa iyo. Sa lahat ng nangyari, wala kang kasalanan kaya't sana ay hindi mo parusahan at sisihin ang iyong sarili.
Sa panibagong taon na ito, hiling kong makitang muli ang matatamis na ngiti mo. Na wala na sanang pasakit pa ang dumating sa iyo, at gaya ng puting lily ay simbolo ito ng simula ng pagbabago. Mahal na mahal kita, mananatili ako bilang iyong sandalan.